Skip to content

HARAYA 2021

Palawakin and imahinasyon. Padaluyin ang sining.

Bilang mga alagad ng sining, mahalaga para sa mga mag-aaral ng UP Kolehiyo ng Arkitektura ang maibahagi ang kanilang obra sa publiko. Ito ay upang mapalawak ang kanilang tagapanood at tagapakinig, at magsilbing lugar para sa diskusyon at nakatutulong na mga puna. Sa ilang dekadang isinagawa ang HARAYA, patuloy itong nagsilbing entablado para sa ipagmalaki ng mga mag-aaral ang kanilang likha.

Ipinagbunyi nito ang pagunlad ng mga mag-aaral ng Kolehiyo bilang mga Arkitekto ng Bayan Para sa Bayan.

Lumikha ng art installation ang Architecture Student Council noong HARAYA 2016 gamit ang mga makukulay na payong.

Ngunit lubos na binago ng pandemyang COVID-19 ang pagdiriwang ng 2020 at ng mga sumunod pang mga HARAYA. Dahil ipinagbawal ang pagtitipon at pagsagawa ng selebrasyon at pagtatanghal, ang dating pisikal na pagtatanghal ng mga obra sa Kolehiyo ay naging online na eksibit. Bagaman pinilay nito ang mahalagang aspeto ng HARAYA— ang pisikal na tanghal ng mga gawa, binuksan naman nito ang daan sa kung ano pa ang HARAYA.

Saksihan ang paglikha at pagsasakatuparan ng haraya bilang sining. Tingnan ang mga likhang mag-aaral ngayong taon.

ARKITEKTURA

Alamin ang mga ideya ng mag-aaral ng Arkitektura para sa Museum of Filipino Architecture, sa espasyong agrikultural sa kalunsuran, at iba pang mga paksa.


Sa ikaapat na taon ng pag-aaral ng Arkitektura ay ipinagdurugtong at ipinagyayaman ang lahat ng natutuhan sa mga nakaraang taon ng mag-aaral bago nila ito isapraktika sa kanilang tisis. Tingnan ang pagsulong ng kanilang mga ideya dito.


Sa unang taon ng pagaaral ng kursong Landscape Architecture lilitaw ang mga konseptwal na disenyo at mga makabagong ideya. Tingnan ang likha ng mga mag-aaral na ito dito.


Tingnan ang mini-thesis ng mga mag-aaral ng Landscape Architecture sa kanilang ikatlong taon na nagsisilbing preparasyon para sa kanilang tisis. Sa proyektong ito, inatasan silang magsagawa ng arkitektural na pananaliksik sa New Clark City, Capas, Tarlac.


CWTS

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kakayahang resolbahin ang mga suliranin ng piling komunidad sa NCR at Davao kasama ang UP School of Economics, at sa tulong ng Technical Assistance Movement for People and Environment, Inc. (TAMPEI) at Homeless People’s Federation Philippines Inc. (HPFPI).


Tingnan ang mga ideya at disenyo ng mga pabahay para sa komunidad. Alamin din kung paano dinisenyo ng ilang mga mag-aaral ang kanilang bersyon ng cliffside cafes.


Sa kanilang huling taon sa Kolehiyo ng Arkitektura, ibinubuhos ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan at nalinang na mga kakayahan sa kanilang tisis. Alamin kung paano nila haharapin at sosolusyunan ang mga napapanahong problema sa ating mga espasyo at imprastraktura.


LANDSCAPE ARCHITECTURE

Para sa ikalawang taon nila sa pagaaral ng Landscape Architecture, tingnan kung paano dinisenyo ng mga mag-aaral ang mga civic spaces, roof decks, at iba pa para sa mga malimit na gumamit ng mga espasyong ito.


Ang tisis ang integrasyon ng lahat ng natutuhan ng mag-aaral ng Landscape Architecture sa huling proyekto nila sa kolehiyo. Alamin ang kanilang mga ideya na sosolusyon sa mga problemang kinakaharap natin at ng ating kapaligiran.


GDDipLS

Tingnan ang mga obra ng mag-aaral ng Graduate Diploma in Landscape Studies ngayong taon.